Sunday, October 25, 2015

Polusyon: Ang Hindi Natatapos na Problema

Polusyon
Image result for polusyon Image result for polusyon

Noong unang panahon, ang mundo ay napakaperpekto. Napakalinis ng paligid, napakagandang lugar para tirhan. Ang kapaligiran ay pinangangalagaan ng mga tao para kay Inang Kalikasan.
Ngunit, sa paglipas ng panahon, napapabayaan na ng mga tao ang biniyaya ni Inang Kalikasan. Dumating ang kalaban ni Inang Kalikasan: Ang polusyon. Hindi lang tayo ang humaharap sa problema na ito. Hindi lang ang bansang Pipilinas. Kundi halos lahat din ng iba't-ibang bansa.

Ano nga ba ang polusyon?
Ang polusyon ay isang pagbabago sa kapaligiran na masamang nakaaapekto sa kalusugan ng mga halaman, hayop, at tao.

Ang polusyon ay may iba't-ibang mga klase. Anu- ano ang mga ito?

Ayon sa WikiAnswer, ang mga uri ng polusyon ay ang polusyon sa hangin, lupa, tubig at ingay.

Ang polusyon sa hangin ay sanhi ng makabagong technolohiya. Ito ay nanggagaling sa mga pagawaan, usok ng mga sasakyan. Kahit sa simpleng paninigarilyo lang at pagsusunog ng kung anu-anong bagay ay maaari ring pagmulan ng polusyong ito.

Ang polusyon sa lupa ay sanhi ng pagkawala ng disiplina ng mga tao o mamamayan sa isang comunidad. Madalas makita ang mga kalat sa paligid at ang nagiging sanhi nito. sa pagaakala nating simpleng kalat ay nagdudulot ng pagkalalalaki at pagkadamidaming basura sa isang communidad.
Ang polusyon sa ingay ay naidudulot ng sobrang dami ng populasyon (bilang ng mga bagay sa isang comunidad) sa isang comunidad.
Ang polusyon sa tubig ay naidudulot ng pagkawala ng disiplina ng mga tao o mamamayan sa isang comunidad. ang paggamit ng mga mangingisda ng pampasabog.

Ano nga ba ang sanhi ng polusyon? Bakit ito ay isang patuloy na suliranin ng ating bansa?
-Sa aking sariling pananaw, ang sanhi ng polusyon ay ang kapabayaan na rin ng ating mga mamamayan. Sino pa ba ang may kakayahan para pangalagaan ito? Ang magbigay ng aksyon? Siguradong kung kaya itong pangalagaan, kaya rin nila itong pabayaan. Hindi na nga ito masyado napagtutuunan ng pansin, nagawa pa ng mga masasamang bagay na makakaapekto sa kalikasan. Nakakaambag pa sa paglala ng polusyon. Tapon doon, tapon dito. Buga doon, buga dito. Wala manlang pakialam ang mga tao sa kanilang mga aksyon. Hindi nila alam na halos lahat ng napakikinabangan nating bagay ay nanggagaling sa kalikasan. Sa kanila din babalik lahat ng mga negatibong epekto kapag tuluyan na nasira ang kalikasan dahil sa polusyon.
Bagamat tayo ay nakatira sa siyudad, tayo ang pinakanakakaranas ng epekto ng polusyon. Lalo na sa polusyon ng ingay. Dahil sa mga ingay ng sasakyan at iba-t-ibang makina, at marami pang iba. Lalong-lalo na ang polusyon sa hangin. Napakaexposed natin sa polusyon ng hangin dahil ito ay ang ating hinihinga. Kasama dito ang second hand smoke, mga usok ng pabrika, usok ng iba't-ibang sasakyan atbp. Kaya naman, marami ang nagkakasakit sa baga. 
Ayon sa thepinoysite, dapat mag-ingat sa mga epekto ng maruming hangin sa katawan subalit ang mga taong may mas malaking peligro sa kalusugan ay ang mga sumusunod:
  • mga may respiratory illness gaya ng asthma, bronchitis, tuberculosis at iba pa
  • mga may sakit sa puso
  • mga sanggol at bata
  • mga matagal na nasa labas (traffic police, street sweepers, sidewalk vendors, etc.)
  • mga senior citizens
  • mga buntis
  • mga mahina ang immune system
Ayon sa ulat ng World Health Organization (WHO), pinakamalaking naaapektuhan ng air pollution ang mga umuunlad na bansa kagaya ng Pilipinas. At mas mataas daw ang antas ng polusyon sa mga umuunlad na syudad (gaya ng Maynila) kumpara sa mga mauunlad na syudad na kasing-laki nito.

Kaya naman, ang mga mamamayang naghahanap ng bakasyon ay napunta sa masasariwa ang hangin. Matatagpuan ang mga masasariwang hangin ay sa mga nayon natin at mga dagat kaya naman dito nila napipili magbakasyon.

Ano nga ba ang solusyon sa polusyon?
Tunghayan ang aking nilikhang maikling infomercial script.

Girl 1: Gerl! Ang init-init naman dito! Ang kaderder pati ng mga usok! So daming mga basura! Di ako makapag swim sa beach, ang dumi! Yuck! Where can we go ba? I don't like it here. I'm so tired of this place, puro polusyon!
Girl 2:Nako halos naman lahat ay puro polusyon. But wait, gerl! I have three easy steps para masolusyunan ang polusyon sa Philippines.
Una, kailangan mo isara yang bibig mo, para di makaambag sa polusyon ng ingay! Joke! Una, kailangan nating magtapon ng basura sa tama para di bumara sa mga bodies of water tsaka pati na rin sa lupa. Matuto din magsegregate ng wastes para mapakinabangan ang ibang basura!
Pangalawa, let's plant trees! Super nakakaganda nito sa environment, nakakalamig tapos maiiwasan din ang baha. Nagbibigay din sila ng sariwang hangin. Sana nga eh may mga sampung puno ang tinatanim bawat bili ng sasakyan.
At pangatlo, let's make tulong-tulong at kailangan magkaisa ang PIlipinas para sa iba't-ibang paraan para maiwasan at masugpu itong polusyon.
Girl 1: Edi wow. Let's go gerl!

Sa ating henerasyon, masyado tayong mga abala sa teknolohiya. Hindi natin alam na may mga bagay na napapabayaan natin, ganyan naman eh, may napagkaabalahan lang, kakalimutan na agad yung ibang bagay na minsan ay napakinabangan (oops hugot) 
Kung gusto natin malutas itong isyung ito, kailangan nating magkaisa at magtulong-tulong dahil walang mangyayari kung iisa lang ang kikilos. Dapat ay sama-sama tayo sa iisang diwa at layunin. Gawin ito para hindi lang sa ating bansa, kundi para na ring isang hudyat sa mga iba't-ibang bansa ng pagbabago. 

Panoorin ito:















Image result for happy earth
Image result for happy earth

15 comments:

  1. Goodjob :) take care our mother earth.

    ReplyDelete
  2. Tama dapat magkaisa para masugpo na ang polusyon.

    ReplyDelete
  3. Tama yan dapat ay tayo ang gumagawa ng solusyon at paraan

    ReplyDelete
  4. Oo nga, magtulungan tayo para tapusin ang polusyon.

    ReplyDelete
  5. Dapat magtulungan tayo upang mawala ang polusyon at para lalo pang gumanda ang ating kapaligiran

    ReplyDelete
  6. Tama ka jan, sa Pilipinas unti unting nauubos ang mga halaman at iba't iba pang biyaya ng inang kalikasan. Ang kalikasan ang nagbibigay sa atin ng ikabubuhay natin at nagbigay ng buhay at ng mga produkto para sa mga makabagong teknolohiya na kung saan tayo ang nakikinabang. Tayo nagpapakasarap sa buhay tapos sila nawawala at nababawasan. Hindi natin agad ito napapaltan. Dapat bigyan natin sila ng pagmamahal. Kahit simpleng pagtapon ng basura sa tamang basurahan makakatulong yun. Paano uunlad ang Pilipinas kung sa kalinisan ay palpak na? Gaya ng sabi ng iba "hindi lilipad ang ibon kung ang kanang pakpak lang ang gagalaw"

    ReplyDelete
  7. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete